ANG PAGPAPALIT O CONVERSION NG LISENSYA SA PILIPINAS

Ito ang proseso ng pagkuha ng drivers license sa Pilipinas na hindi kailangang dumaan sa proseso mula sa una o hindi na kailangan ng student permit. Ito ay ang mga may lisensya ng pagmamaneho (drivers license) mula sa bansang pinanggalingan tulad ng Japan. Ang lisensyang nakuha natin dito sa Japan (Japanese Drivers License) ay maaaring ipa convert para magkaroon ng lisensya sa Pilipinas (Philippine Drivers License). Kung meron tayong Gaimen Kirikae dito sa Japan, mayroon itong katulad na proseso sa Pilipinas (ito ay hindi pareho sa International Driving License). Ang prosesong ito ay madali lamang at hindi nangangailangan ng fixer o taong maglalakad maliban sa sarili. Ang prosesong ito ay may katumbas na halagang bayad.

PROSESO;

  1. Tumungo o pumunta sa pinakamalapit na embassy sa inyong lugar at ipakita ang passport at Japanese Drivers License (maaari kayong makakuha ng ahensya malapit din sa embahada para sa translation ng lisensya (Japanese to English), maaari ding ipa translate na muna ang lisensya bago pumunta sa embahada).

  2. Dalahin at ipasa sa embahada ang translation ng inyong lisensya para sa tatak at selyo na nagpapatunay na ito ay legal.

  3. 1. Tumungo o pumunta sa Land of Transportation Office (LTO) na malapit sa inyong lugar para sa application ng inyong lisensya (maaari din kayong mag download ng application form sa online), ipakita ang translation certificate na galing sa embahada kasama ang orihinal na Japanese Drivers License at passport para sa pagsusuri (evaluation) kung tama at wasto ito.

    2. Kasunod dito ang pagbabayad para sa mga proseso at pagsusulit (ang pagsusulit sa papel at aktwal (written and driving test) ay isinasagawa lamang kung ang lisensyang hawak ng may-ari na galing sa ibang bansa ay wala nang bisa (expired). Kunin ang resibo ng binayaran (official receipt) at magpakuha ng litrato (picture taking). Panandaliang maghintay para sa lisensya (releasing).

Karagdagang Inpormasyon:

  • Ang lisensyang matatanggap ay dedepende sa lisensya ng may ari galing sa ibang bansang pinanggalingan. Halimbawa, kung ang lisensyang galing sa Japan ay first class or regular license, ito ay magkakaroon ng katumbas bilang pangalawang katergorya (category 2) sa Pilipinas.

  • Ang medical check ay isa sa kailangan proseso at isinasagawa ito sa loob o lugar na sakop ng Land of Transportation Office (LTO).

  • Ang bisa (validity) ng lisensyang matatanggap sa prosesong ito ay may parehong bisa sa prosesong dumaan sa normal (regular process). Sa kasalukuyan, ito ay may bisang limang taon (5 years validity).

Next
Next

Conversion of Foreign License (Gaimen Kirikae, Japan)