Conversion of Foreign License (Gaimen Kirikae, Japan)
Ang conversion of foreign license ay patuloy na isinasagawa ng ating mga kababayan dito sa Japan, ito ay ang pagpapalit ng local Philippine Driving License to Japanese Driving License (hindi kabilang dito ang pagpapalit ng International Driving License). Hindi madali ang conversion or Gaimen Kirikae dahil may mga proseso, pagsusulit at kailangang mga papeles para dito, at dahil may pinanghahawakan tayong lisensya sa pag mamaneho kasama dito ang pagpapatunay na kinuha natin ito sa tama at wastong paraan at patunay na may tamang kakayahan sa pagmamaneho ng sasakyan ang taong may hawak nito. Ngunit masasabi din namang madali ang proseso at paraan ng conversion o Gaimen Kirikae kung ang magsasagawa nito ay may wasto at tamang kaalaman sa pagmamaneho at sa katunayan, masasabi ding may mas mababang halaga ng gastos ang prosesong ito kumpara sa mga kumukuha ng Japanese Driving License na nagsisimula sa umpisa. Ang proseso ng conversion or Gaimen Kirikae ay masasabi ding minsan ay may madali o mabilis na panahon na makakuha ng lisensya kumpara sa umpisa kung kompleto at tama ang mga papeles at kung may sapat na kakayahan sa pag mamaneho ang kumukuha nito upang ma ipasa ang mga pagsusuri na isinasagawa sa loob ng Driving License Center (Unten Menkyou Center).
Pangunahing kailangan [Requirements] para sa Conversion of Foreign License - Gaimen Kirikae
1. Valid card license - Philippine local drivers license (not international drivers license), ito ay dapat may bisa (not expired) at may tamang detalye ayon sa may-ari nito.
2. Official Receipt/s - Ito ang resibo ng drivers license, mas makakatulong kung kompleto ito kasama ng mga lumang resibo simula sa unang pagkuha kung matagal nang may lisensya (old receipt) maliban sa pinakahuling resibo (last renewal receipt).
3. Passport/s (old/new) - maliban sa bagong passport, ang mga lumang pasaporte (kung meron) ay makakatulong para mga detalye lalo na para sa pagkalkula ng itinatagal sa tuwing umuuwi sa Plilipinas.
4. Three (3) months or atleast 90 days stayed in the Philippines - dapat may tatlong buwan or 90 araw na itinagal sa Pilipinas simula sa petsa kung kailan tumanggap ng lisensya.
KARAGDAGANG PAPELES NA MAKUKUHA SA JAPAN;
JAF (Japan Automobile Federation) Translation - ito ang pag sasalin ng salita mula sa English sa wika ng Hapones (Japanese). Maaaring dalahin o ipadala ang kopya ng inyong lisensya at resibo sa pinakamalapit na ahensya ng JAF (Japan Automobile Federation) sa inyong lugar (ito ay may katumbas na halagang bayad).
Alien Card / Residential Card - Ito ay dapat may bisa (valid).
Residential Certificate (Juminhiyo / Juminsho) - Ito ay makukuha sa city hall kung saan tayo naninirahan sa Japan. Dapat nakalahad dito ang ating nationality (Philippine) at hanggat maaari ito ay may bisa hanggang 3 buwan.
Litrato (Picture) - maaring pumunta o mag pakuha sa mga photo booth na may tamang sukat (driver’s license photo size). Ito ay may bisang 6 na buwan.
Karagdagan;
Ang iba pang papeles or as supporting documents tulad ng certificate of license with red ribbon, license history at iba pa ay maaring kailanganin bago o pagkatapos ng pagsusuri (upon request).
Ang lahat ng papeles ay dapat orihinal (original) hindi maaring ipasa ang kopya kung walang orihinal. Ang application form ay kailangan depende sa Driving License Center (Unten Menkyou Center) na pupuntahan, minsan ginagawa ito para makakuha ng appointment or schedule para pag tatanong (interview) minsan ay ibinibigay ito pag katapos mai pasa ang pag tatanong (interview).
◆ Ang proseso ng conversion (Gaimen Kirikae) sa loob ng Driving License Center (Unten Menkyou Center)
A. Evaluation or checking of all the documents - pagsusuri ng mga dokumento.
B. Interview (mensetsu) - ito ang pagtatanong ng proseso kung paano nakuha ng may ari ang lisensya ng may ari. Minsan nangangailangan ito ng isang translator lalo na kung hindi marunong magsalita ng hapones (Japanese) ang kumukuha. Ang proseso o pagtatanong ay maaaring hindi na maulit kung nagkamali sa pagsagot ng tama ang kumukuha at maaari rin namang hingian ng iba pang papeles (supporting documents) upang patunay sa iba pang kasagutan (concern). Dapat tama at wasto ang pagsagot ayon sa lisensyang hinahawakan nito.
C. Written Test (10 items) - ito ang pagsusulit ng may 10 katanungan sa pamamagitan ng pag sagot ng tama o mali. Maaaring English o Tagalog depende sa lugar ng Driving Licensing Center (Unten Menkyou Center). Kapag hindi naipasa sa unang pagsusulit ay maari itong ulit-ulitin. Bibigyan ng 6 na buwang bisa (6 months validity) kapag ito ay nakapasa at sa loob ng nasabing buwan ay dapat matapos ang proseso kabilang ang pagsusulit sa pagmamaneho (actual driving test).
D. Actual Driving Test - ito ang kurso ng pagsusulit ng tama at wastong pagmamaneho na ginagawa sa loob ng Driving Center (Unten Menkyou Center).
E. Releasing Japanese Driving License - kapag nakapasa sa huling pag susulit, isasagawa na ang pag kuha ng litrato (picture) at maaaring makuha ang Japanese Driving License sa parehong araw pagkatapos ng proseso.
*Ang mga pagsusulit at lisensya ay may katumbas na halagang bayad at ito ay babayaran sa loob ng Driving Center (Unten Menkyou Center).
*Ang pagsusuri sa mata (eye check) ay isinasagawa sa loob ng Driving Center (Unten Menkyou Center) sa tuwing bago ang pag susulit (written / driving test).
*Ang proseso ng Conversion of Foreign License (Gaimen Kirikae) ay magpapatuloy lamang habang may bisa (valid) ang hinahawakang lisensya (Philippine License), maaaring maputol o matigil ang proseso o pagsusulit kapag nawalan na ito ng bisa (expired) at kakailanganin i-renew muna ulit ito bago ipagpatuloy ang proseso.